Pinay Travelista — Magpapahinga?

Wala akong lakas na loob na magblog in Filipino. Pero nga dahil kaarawan ko ngayon, wala na kayong magagawa kung hindi basahin ito at sumakit yang ulo niyo sa baluktot na Filipino ng isang Pinay Travelista. Ahahaha.. Now balik tayo sa kung anong dapat kong sasabihin. May NEWS ako —- Good News, Bad News, at Good! Good News! Kasi sa buhay hindi dapat pantay ang good at bad, dapat lang na mangingibabaw ang kabutihan sa kasamaan — be it sa isip ng tao, sa kanyang gawa, pananalita, at sa buhay as a whole. Dahil kahit nga ang pessimism ay para ring  reverse psychology ng optimism. Tinutulak tayo nito para gawing makabuluhan ang buhay — yun nga lang, ang lungkot at gloomy lang ng araw mo dahil negative vibes yung tumutulak sayo to be better — to do better. Kaya kahit magmumukha kang clown, be optimistic, umuulan ng kulay ang buhay  pagganyan! Ang nice kaya ng araw na super makulay. Kaya eto nah!
Good News! First time na may give-away dito. Para ito sa Birth Month Craze Celebration ni Pinay Travelista pero dahil birthday ko pa ngayong araw na ito, saka ko nalang sila i-uup, sa birthday na mismo ni Pinay Travelista when she turns 1 year old na! Fitting lang noh na kasing birth month ko yung blog ko! Ang ipamimigay ay mga travel-related stuff na I would recommend you could use. Hindi ako magaling gumawa ng contest mehanics kaya I’ll post them up as I go at bahala na kayo if you would like to join and get a chance to win the items. Abangan niyo na lang ha. Promise, hindi ko kayo ipapablog or what, uhm, pero nice sana if may magtratranslate ng Chinese Cinderalla to Filipino — tumpak yun! Mamahalin kita ng sobra at makakalimutan ko na may iba pa palang sumali. Ikaw na ang tatanghaling winner! Ahahahahaha! Eto na naman ako, pasensya na ang hyper lang yung utak ko ngayon.
Bad News!na good naman talaga. Magpapahinga na muna nga ako sa kakalakwatsa! So Pinay Travelista will be doing back posting ng mga travels ko na hindi nyo pa nabasa or alam man lang. Ang dami ko palang kagagahan na ginagawa sa mga trips ko! At ngayong kumportable na ako i-share, mababasa niyo na yung mga blooper moments ko! Kasi nga mag 1 year old na nga itong blog na ‘to, hindi ko naman akalaing tatagal ‘to di ba. So ilalabas ko na yung mga editor’s cut na story angles, problema niyo na yun if magugustohan niyo or maiinis kayo sa akin. Ahahahahahaha! So yun na muna yung ipopost ko kasi meron akong dapat gawin by December na dapat bigyang pansin at halaga kasi dito nakasalalay ang aking kinabukasan. Salamat sa isang tao na iniksian ang buhay ko ng naging kaibigan ko siya, “Oo! May bukas pa ako, ang lakas mo mang-asar ha! =P Tantanan mo si Pinay Travelista, or ipapadala ko yung cute butterfly minions na nakakamatay-ang-sweetness para guluhin lang yang buhay mo.” <— Hindi yan threat. Ganyan lang talaga kami. Carino brutal ang tawag diyan at dahil digital yung pagmamamahal ko sa taong yan, brutal din ako digitally. Ahahahaha.. 
Good! Good News! Hindi naman ito pamamaalam talaga. I never say goodbye when I only mean to say “see you later”. Ang hirap mag-goodbye sa isang tao, o bagay na nakagisnan at gusto mo naman makasama, maka-usap, mabasa, o makita muli, diba? Kahit na I’m parking my backpack up at the corner, I’m actually scouting for a new one too. Pagkatapos ng December-life-changing-event na yan, I’ll be saying hello to the roads again. I’m not sure kung gaano ako katagal sa daan, but alam ko na may hihintayin akong milagro while I, literally, get lost finding my way around the beautiful Pinas. Wala pa akong plano jan — kung ilang araw– 2 or maybe 3 months, magkano yung budget, anong route, or what. Bahala na si Batman! I’ll be throwing in what I’ve been carelessly doing for a few months now, planned spontaneous travel. Mabuti na rin na merong Pinoy Travel Bloggers and PTB Bagets ang magiging inspirasyon at guide ko para hindi ako mawawala sa daan! Sana I’ll get to meet you guys on the roads, or kung gugustohin man travel with me in parts of the journey para hindi naman akong magmumukhang loner, at — boring at lonely kaya sa daan for solo travels.
Akala ng ibang tao, I had life all figured out. Ang totoo diyan, I only figured out enough on what there is for me, and to at least try to be brave when taking the roads just to get there. Honestly lang, natatakot ako for this. Sino ba namang hindi matatakot — but God willing, the universe will conspire for success. ***Edited: Para lang pala ang sad ng note nito noh? But really it’s not. Takot lang ako — oo! Like soooo super! Naging honest lang ako — oo! Huba’t hubad yung kaluluwa. Huwag niyo na akong tanungin ako anong meron sa December! Ah, basta! =) 6 months is an awfully long, long, long time. And the months on the road will be so damn suicide for me — but I can not do just nothing for 2-3months wait period. Somehow I know this will be all worth it! =) 

P.S. Unang post in Filipino, kahit man lang Taglish, I think okay na yan! =P
P.P.S. Unang post din na wala man lang piktyur!
P.P.P.S. If tinapos mo ‘tong basahin — gosh! Ang bait at ang tiyaga mo naman! #FreeHug